NAWAWALA, BUMABALIK, ETO NA NAMAN

1495 Words
Hindi ko napigilan si Adam na makikain sa amin. Feeling close itong naki-upo sa hapag- kainan namin. "Sarap na sarap ka sa Adobo ko, iho ah..." bati dito ni Nanay. "Opo, Tita. Eto po ang pinakamasarap na Adobo na natikman ko!" sabi nito bago sumubo uli. "O siya. Kain lang ng kain...." natutuwa namang sabi ni Nanay. "Na-miss ko po ito, eh. Dati, lagi akong pinagdadala nito ni Bes… I mean ni Hannah, nung High School eh...." Sh*t! Bakit mo pa sinabi yan Adam???? Napansin kong sabay-sabay tumingin kay Adam ang pamilya ko. Sinundot ng kaba ang dibdib ko. "Ano na ngang pangalan mo, iho?" nagdududang tanong ni Tatay. "Adam po," walang gatol na sabi nito, habang naka-hang sa ere ang kamay na may hawak na kutsara na may lamang kanin. "Adam???!!!!" sabay-sabay na sabi nilang lahat, habang nagdudumilat ang mga mata nila. Nag-angat ng ulo si Adam, at saka ngumiti. "Opo," sagot ni Adam, pagkatapos ay itinuloy na ang pagkain niya. Ibinaba ni Tatay ang hawak niyang kubyertos. Akto namang tatayo ang mga Kuya ko. Itinaas ko ang dalawang kamay ko sa ere. Alam ko kung ano ang binabalak nilang gawin. "Tay, Kuya...ibalato nio na sa akin to. Please..." pagmamakaawa ko. "Bakit?" lumingon sa akin si Adam, at saka walang kamalay-malay na nagpalipat-lipat ang tingin kina kuya, Tatay at Nanay. "Wa-Wala. Wala! Kain ka lang nang kain. Tapos umuwi ka na ha. Inaantok na kasi ako," sabi ko dito. "Ha? Ga-Ganun ba? Sige..." malungkot na sagot nito. NANG matapos kaming kumain ay inaya ko na agad si Adam na tumayo. "Hannah," seryosong tawag sa akin ni Tatay. "Tay. Please... ngayon lang," paki-usap ko dito. Hinawakan ito sa kamay ni Nanay. Pagkatapos ay bahagyang tumango sa akin. Nagmamadaling hinila ko palabas si Adam. "Wait. Dahan-dahan lang, bes... busog na busog ako..." sabi nito habang sapo-sapo ang tiyan niya. Nilingon ko ito. Ang lakas palang kumain ni Adam, pero nakakapagtakang hindi naman siya tumataba. Saan ba nilalagay nito ang kinakain niya? "Hindi pa tayo nagde-dessert..." narinig kong sabi nito. Napailing na lang ako. Nakuha pang maghanap ng dessert? Hindi pa ba siya busog niyan? "Sa labas ka na lang mag-dessert," sabi ko dito, nang makalabas na kami sa gate. "Ha? Ako lang mag- isa ang magde-dessert? Lungkot naman nun! Samahan mo na lang ako..." sabi pa nito. "Hindi pwede... sige na! Alis na." "Samahan mo na ko... kaya nga ako nagpunta dito, kasi gusto kitang makausap, tapos paaalisin mo lang ako..." malungkot nitong sabi. Napakamot ako sa noo ko. Hirap namang kausap nito! "Hannah..." Si Tatay! Bigla kong hinatak si Adam papunta sa kotse niya. "Tara na. Mag-dessert na tayo. Bilis na! Bago pa magbago ang isip ko,” nagmamadaling sabi ko dito. Nagtataka man, ay sumunod na din ito sa akin. SA pinakamalapit na coffee shop kami humantong. No choice na din naman ako kung hindi samahan ang kumag na ito. Nagkape lang ako samantalang frappe at cinnamon bread naman ang kay Adam. Magkatapat kaming nakaupo sa pang-apatang mesa. "Adam..." "Hmmm..." sabi nito habang ngumunguya. "Wag ka nang babalik sa bahay ha. Please lang." Natigil ito sa pagnguya. "Bakit?" kunot-noong tanong nito. "Basta. Bawal," maigsi kong sagot. "Bakit bawal?" tanong uli nito. "Ano... bawal akong tumanggap ng bisitang lalaki," pagdadahilan ko. "Ha? E hindi naman ako aakyat ng ligaw ah," sabay tingin nito sa cellphone niya. Para kasing may na-receive siyang text.. "Iyun na nga eh..." nakayuko kong sagot. "Anong sabi mo?" tanong nito, na nag-angat ng mukha mula sa pagbabasa niya sa screen ng phone niya. Napaangat ako ng ulo. "Ano... sabi ko... bawal nga kahit kaibigan lang. Ayaw ni Tatay." sagot ko. "Parang okay naman ang Tatay mo kanina ah," sabi nito. "Hindi iyun okay. Basta. Kung ayaw mong mabugbog ng mga Kuya ko, huwag ka nang pupunta sa bahay namin. Hindi ka ba natatakot sa mga Kuya ko?" "Mukhang okay din naman ang mga Kuya mo. Mahilig din ba silang magbasketball?" "Oo. Pero --" "Minsan, aayain ko sila," nakangiti nitong putol sa sasabihin ko. "Adam?! Bakit ba ang kulit mo?!" naiirita kong sabi. "What? Gusto ko lang naman silang pakisamahan... anong masama?" nagtataka nitong tanong. "Basta nga. Basta...." "E bakit..." tapos biglang dumilim ang mukha nitong nakatitig sa akin. "Anong bakit na naman?" kunot-noong tanong ko dito. Nako-conscious na ako sa paraan ng pagtingin nito sa akin. Sh*t. Tama na Adam. Baka matunaw ako... "Siguro, boyfriend mo iyung naghatid sa iyo kanina noh? At siya iyung nagbabawal na magpapunta ka ng lalaki sa inyo at hindi ang Tatay mo..." Nag-isip ako sandali. Nakita nga pala niya si Sevie na hinatid ako kanina. Ikaw kaya ang gusto kong maging boyfriend...manhid! "Hindi noh! Excuse me..." "Anong hindi?" mabilis na tanong ni Adam. "Hindi ko siya boyfriend!" mabilis ko ding sagot. Ewan ko ba kung imagination ko lang dahil parang biglang nagliwanag ang mukha ni Adam pagkatapos kong sabihin yun. "Okay. Fine..." tatango-tangong sabi nito. "Hindi na ako pupunta sa inyo.” Palihim akong nagpasalamat at nagdiwang. “Sa isang kundisyon..." Agad na nagdikit ang mga kilay ko. "Ano naman yun?" angil ko dito. May kundisyon pang nalalaman 'to... "Kailangan, hindi din pupunta iyung naghatid sa iyo kanina..." seryosong sabi nito habang matiim na nakatitig sa akin. "What?" "What-what ka diyan. Deal or no deal?" sabi pa nito. “Excuse me? Anong Karapatan mong magsabi ng kundisyon? Unang-una, bahay ko iyon,” inis na sagot ko dito. “Eh, di pupunta pa din ako,” "Oo na! Oo na!" Hindi naman siguro niya malalaman kung sakali... "Plus..." Agad namang nag-init ang ulo ko. “Ano namang plus??!" "Chill... init agad ng ulo...” sabi nito. Bumuntonghininga ako. Ano na naman kaya ang naiisip nito? Ngumiti muna ito ng nakakaloko bago nagsalita. "Plus... every Friday... dadalhan mo ko ng Adobo sa practice namin ng basketball." "Ano? Ayoko!" Ayoko ngang makita ang paglalampungan nio ni Gracie dun! "Okay. Eh di pupunta na lang ako sa bahay nio after ng practice namin..." "Oo na... sige na. Panalo ka na," pagsukong sabi ko, at saka sinabunutan ko ang bangs ko. Tumayo na ako. "Sige na. Uuwi na ko," paalam ko dito. Bigla akong hinawakan nito sa pala-pulsuhan ko. "Sandali lang... samahan mo muna ako dito...." ungot nito. "Bakit na naman?" asik ko dito. "Si Gracie kasi..." at saka nalukot ang mukha nito. Napahinga ako ng malalim, at saka tumitig sa nakasimangot na mukha ni Adam. Hmp! Eto ka na naman. Pag hindi kayo okay ni Gracie, saka mo lang ako naaalala. Magpapaalam na sana ako nang tumingin ito sa akin. Nakita ko sa mga mata niya ang bigat ng dinaramdam niya. Bigla naman lumambot ang puso ko kaya naupo ako uli. "Okay. Spill it." Yumuko naman ito at tila nahihiya. "Look. Wala akong mahabang oras para maghintay sa sasabihin mo. Baka hinahanap na ako sa amin," galit-galitan na sabi ko. "Si Gracie kasi... mag cool-off daw muna kami. Kailangan daw niya munang mag-concentrate sa pageants niya..." Napatitig ako sa mukha nito. Lumambot ang puso ko sa awa sa kanya. Ikaw naman kasi...kung ako na lang sana ang minamahal mo... Umayos ako ng upo, at saka nag-isip kung anong isasagot kay Adam. "Oh, eh di ikaw. Kung anong pasya mo. Hindi ko naman yata kayang desisyunan yun!" inis kong sabi dito. "Tingin mo, distraction ba ako para sa kanya? How come? Samantalang siya...lagi ko siyang priority... all this time." "Hindi ko naman siya pinagbabawalan sa mga gusto niyang gawin. I am always supporting her. Ang gusto ko lang huwag niya ako iniitsa-pwera na lang at panghuli lagi sa priorities niya..." "Look, why not try mo munang ibigay yung hinihingi niya... then try to weigh things. Saka mo uli isipin kung anong gagawin mo. Ninyo. In the meantime, uuwi na muna ako. Magre-review pa ako," sabi ko sa kanya. Tatayo na sana ako nang pigilan na naman ako nito. Iritableng tumingin ako dito. "Bes, thank you ha... kahit napipilitan ka lang na samahan ako... na kausapin ako... at least, nag-effort ka pa din..." Inirapan ko ito. Tuktukan ko kaya ito? "Hay naku! Makaalis na nga!" at saka ako nagmartsa na palabas doon. HINDI ko din napigilan si Adam nang ihatid ako nito sa amin. Doon nga lang ako nagpahatid hanggang sa may kanto lang namin. Mabuti na din ‘yun para wala nang diskusyon pa sa pamilya ko. Mabuti na lang din at umpisa na ng palabas na basketball sa TV kaya hindi napansin ni Tatay at ng mga Kuya ko ang pagdaan ko sa likuran nila papunta sa kuwarto ko. Pagkapasok ko sa kuwarto ay agad kong hinarap ang pagre-review. Midterm week na sa susunod na lingo at ayokong biguin ang pamilya ko sa pag-aaral ko. Patapos na ako sa pagre-review nang mag-vibrate ang cellphone ko. Tiningnan ko ang pangalan sa screen pero unknown number lang ang nakita ko. Nagdalawang-isip akong sagutin ito pero nakulitan ako kaya sinagot ko na. "Hello??" ["Bes bakit iba na ang number mo?"] "Adam???" Pagkatapos ng tahimik na dalawang taon, eto ka na naman?  ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD