Iyun ang umpisa ng pagtawag-tawag at pagtext-text uli sa akin ni Adam. Kung hindi tungkol sa basketball o yung nangyari sa kanya sa school nila sa maghapon, ay tungkol sa kanila ni Gracie, o si Gracie ang topic namin. HIndi naman kasi natuloy iyung cool-off nila,
Palagay ko nga close na agad ako kay Gracie dahil kilalang-kilala ko na ito base sa mga kuwento ni Adam sa akin.
Nung una ay pilit kong iniiwasan si Adam sa mga tawag niya. Alibi dito, alibi doon. Pero sa sobrang kulit nito, napilitan ko na ding sagutin ang mga tawag nito. Talaga lang, Hannah? Iyan ang dahilan?
Yung minsan, naging madalas. Naging gabi-gabi. Iyong thirty minutes, naging isang oras... dalawang oras... hanggang inaabot na kami ng madaling-araw. Lalo na pag Sabado ng gabi, dahil walang pasok kinabukasan. Kapag Biyernes naman ay patago akong nanonood ng game practice nito, with matching baon na adobo, of course.
Hindi din alam ng mga kaibigan ko na nakipaglapit uli ako kay Adam. Nahihiya akong magsabi sa kanila. Alam kong magagalit sila sa akin.
"Hannah, may tumatawag sa yo. Adelle??" agaw-pansin sa akin ni Mitch.
Naka-silent kasi ang cellphone ko dahil nagre-review kami nila Mitch, Becca at Amy sa favorite spot namin dito sa university garden. Agad kong kinuha ang cellphone ko at saka sinagot ang tawag. Adelle ang nilagay kong pangalan ni Adam sa phonebook ko para maitago ko, kapag tumatawag ito na katulad nito.
"H-Hello?"
["Bes, pwede ka ba ngayon?"]
"Uhm...hindi eh. Nagre-review ako. Finals di ba?"
["Ikaw pa! Hindi mo naman kailangang mag-review. You're smart!"]
Bahagya akong tumalikod kina Mitch. Pabulong kong sinagot si Adam.
"Pwede ba Adam, tantanan mo muna ako. Pag ako bumagsak sa exam ko, hindi na kita kakausapin kahit kailan."
Napalingon ako sa gawi nila Mitch at nakita kong nakatingin sila sa akin. Pilit ko silang nginitian.
"Sige na. Babay na. See you later. Okay?"
["Talaga? Mamaya ha...promise yan..."]
"Bye na," at saka ko pinatay ang tawag.
Pasimple kong in-off ang power ng phone ko para siguradong hindi na makatawag uli si Adam. Ayokong bumagsak sa finals exam ko. Dalawang taon na lang at ga-graduate na ako.
"Sino yun?" tanong ni Amy.
"Si... si Adelle," kinakabahang sagot ko.
"Sinong Adelle? May classmate ka bang Adelle?" tanong ni Becca.
"Oo. Classmate ko sa major subject ko. Mag-review na tayo. Wag nio nang intindihin yun."
NAGMAMADALI akong makalabas ng gate ng university. Kailangang di ako maabutan nung tatlong kaibigan ko.
Kung bakit naman kasi ang kulit ni Adam!
Sinabi nang pupunta na lang ako sa venue ng basketball game nila eh. Gusto pang susunduin ako para sigurado daw na pupunta ako.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng gate ay nakita ko agad ang kotse ni Adam na nakaparada sa tapat. Nagmamadaling sumakay ako agad.
"Tara na. Bilisan mo," utos ko dito.
"Bakit hindi mo kasama sila Mitch?" tanong nito.
"May exam pa sila. Wag ka nang tanong nang tanong kung gusto mong umabot tayo sa game mo!" inis na sagot ko dito.
"Oo na po. Sungit...meron ka ba ngayon?" tanong uli nito.
"Anak ng...bumaba na lang kaya ako?" sagot ko sabay hawak sa door handle.
"Eto na nga oh. Ini-start na..." seryoso nitong sabi.
Naka-abante na ang sasakyan namin ay wala pa ding nagsasalita sa amin. Malamang ay pareho kaming naaasar sa isa't isa.
"Bakit kasi hindi si Gracie ang yayain mong manood eh!" pabulong ko lang na sabi, pero mukhang napalakas dahil sumagot si Adam.
"Bes, maawa ka naman sa akin, ako ang team captain tapos wala man lang magtsi-cheer sa akin..." nagpapaawang sagot nito.
Pero imbes ma-guilty ay nang-aasar pa akong nagtanong.
"Bakit? Nasaan na naman ang syota mo?"
"Nasa Palawan. Nag-join nga siya dun sa Lakambini ng Pilipinas..." nakasimangot nitong sabi.
"Oh! Ayun naman pala, eh. Hindi naman pala naglakwatsa lang..."
"Hindi nga, pero hindi rin niya ako naging priority kahit kailan," seryoso pa din nitong sabi, habang nakatuon pa rin sa pagmamaneho.
Matiim ko itong tiningnan. Lumunok muna ako bago ako nagtanong sa kanya.
"M-Mahal m-mo ba?" lakas-loob kong tanong.
"Of course! Kaya nga girlfriend ko di ba?" mayabang nitong sagot.
Para namang may tumusok sa dibdib ko sa sagot niyang iyon.
"Eh, di magtiis ka!" sagot ko, sabay baling ko ng tingin sa labas ng bintana.
Kung pwede lang tumalon na ako palabas mula sa kotse na ito ginawa ko na. Mas masakit pa yata iyung nararamdaman ko ngayon kesa sa pagbagsak ko sa daan. Nang biglang nag-ring ang phone ko.
Amy calling....
"Hello, Amy."
Sinenyasan ko si Adam na huwag maingay nang mapatingin ito sa akin pagkabanggit ko sa pangalan ni Amy. Nagkibit balikat lang ito.
["Asan ka?"]
"Ah...umalis na ko. May... may group project kami. Dun muna kami sa bahay ng isang classmate ko. Bukas na lang tayo magkita-kita," pagdadahilan ko.
["Ganun ba.... hindi mo yata nabanggit kanina."]
"Sinabi ko...."
["Wala akong maalala..."]
"Hindi ko ba nasabi? Naku. Sorry... sorry talaga."
["Ano ka ba? Okay lang... sige. Ingat na lang maya sa pag uwi."]
"Yup!"
["Ah, Hannah?"]
"Yes?"
["Hindi naman namin sure. Pero... para kasing nakita namin yung kotse ni Adam kanina..."]
"Ha? Sa-Saan?"
["Nagdaan sa harap ng gate."]
"Ba-Baka naman kahawig lang... nakita nio ba yung plate number?"
["Hindi eh."]
"Hindi siguro yun! O sige na. Pababa na kami. Babay na... babay!" pagpapalam ko at saka ko pinindot ang end call.
"Bakit ayaw mong malaman nilang magkasama tayo?" biglang tanong ni Adam.
E di nalaman nilang nagpapakatanga na naman ako?
Sabi ko sa sarili ko habang derecho lang nakatingin sa daan.
"Huy, bes! Hindi ka na sumagot..."
"Ha? Ano... ano ka ba naman... natural magagalit ang mga yun."
"Dahil?" mabilis ako nitong tiningnan pero nakakunot ang noo nito.
"Dahil... iniwan ko sila."
"E bakit mo nga kasi iniwan?"
Napakamot ako sa ulo ko at saka naniningkit ang mga matang sumagot dito.
"Nagmamadali ka di ba?!"
Nagkibit-balikat ito sabay sabing--
"Okay."
PAGKARATING na pagkarating namin sa gym nung school nila ay agad ako nitong hinatak sa front seat malapit sa bleachers nila.
"Dito ka maupo. Upuan ni Gracie iyan. Pero since wala siya... kaya ikaw muna!" nakangiti pang pinagmamalaki ni Adam.
Hindi ko tuloy alam kung matutuwa o magagalit ako.
E pano kaya kung andito si Gracie saan na ako uupo?
Inabutan pa ko ni Adam ng bottled mineral water, after niyang magpalit ng damit. Kinilig naman ako!
Feeling girlfriend ang peg!
Mayamaya ay nag umpisa na ang game. Mukhang ganadong maglaro si Adam base sa performance nito. Sa tuwing makaka-shoot ito ay lumilingon ito sa akin sabay kindat. At itong puso ko, malandi din eh! Kasi tuwing gagawin ni Adam yun pumipitlag-pitlag siya. Parang iyong buhay na Tilapia sa palengke na kumikislot-kislot at tumalon-talon!
Temporary lang ito puso... wag kang masyadong ma-excite... kapag dumating ‘yung totoong may-ari, itsa-pwera ka na naman...
Natapos ang game na apatnapu ang lamang nila sa kalaban. Paano naman, ganado ang lolo ko.
"Nice game Zuniga! Mukhang inspired ka ngayon ah," bati ng isang ka-team mate niya.
"Mas maganda laro mo kapag yang si Miss Seksi ang nanonood sa yo!" sabi pa ng isa.
Tumaba naman ang puso ko sa narinig ko!
Mabuti na lang at hindi naglalaro ng basketball si Chad at Klarence. Kung hindi, malamang naikanta na ako ni Chad sa pinsan niyang si Mitch. Soccer daw ang piniling sports nung dalawa. Samantalang si Judd naman ay sa Canada na ipinagpatuloy ang pag-aaral niya.
Nang tingnan ko si Adam ay seryoso lang itong naglalakad at parang walang narinig.
Tsk! Parang wala lang.
"Uwi na ko," anunsiyo ko kay Adam, habang naglalakad kami papunta sa parking.
"Dinner muna tayo. Nakakahiya naman sa iyo, niyaya kita dito tapos gugutumin kita. Ihatid na lang kita after," sagot nito.
Dinner? As in dinner date??
"Naku! Huwag na!” Baka umasa pa ako….
“Nakakahiya sa ‘yo. Lagi na lang ikaw ang nagpapakain sa akin after ng practice. Ako naman ngayon," sabi ni Adam.
Ayan! Maga-assume ka pa, Hannah?
Nakarating na kami sa kotse niya. Nagulat na lang ako nang ipinagbukas ako nito ng pintuan. Kinilig na naman ako sa simpleng gesture na yun.
Hay naku, Hannah...feelingera na, assumera pa. Ikaw na!
Sa isang eat-all-you-can restaurant kami nagpunta ni Adam. Halatang gutom na gutom ito sa dami ng nakain niya. Ako naman ay busog na busog sa kakatitig sa katawan niya.
Ngayon ko lang napagmasdang mabuti nang malapitan ang katawan nito. Pati mga muscles nito ay nag-mature na din pala kumpara noong High School kami. Nakasuot kasi ito ng fit at stretchable na t-shirt kaya kitang-kita ko ang hubog ng katawan nito at bawat pagpi-flex ng kaliit-liitang muscles nito sa katawan.
Kasalukuyan akong umiinom ng tubig, habang matamang nakatitig sa nakayukong si Adam nang bigla itong mag-angat ng tingin. Muntik na tuloy akong masamid.
"Bes, sama ka bukas, ha. May victory party kami. Sunduin uli kita sa school nio," sabi nito.
"Oh. Bakit mo ko isasama, eh taga ibang school naman ako?" sagot ko dito.
"Tsk! Tiyak, kasama ng mga teammates ko ang mga girlfriends nila."
"So? Eh hindi mo naman ako girlfriend!" sabay irap ko dito.
"Bes naman kita! Sige na…. Matitiis mo ba akong magmukhang kawawa dun bukas, bes?" ngumuso pa ito na tila nagpapa-cute.
Hay naku, Hannah...wag mong sabihing maglalakad ka na naman papunta sa kumunoy?
~CJ1016