Nakaraos na ang Finals. Kakaumpisa lang ng klase ng first sem. Fourth year na kami sa wakas! Pero ako, may isang taon pa ako. Samantalang ang mga kaibigan ko ay puro graduating na. Next year pala, kung walang magiging problema sa kanila, ako na lang ang maiiwan dito sa university. Parang bigla akong nalungkot sa isiping iyun. Nasanay na din ako na kasa-kasama sila. Kasalukuyan kaming nagmemeryenda sa isang fast food chain sa tapat ng university. As usual, ako, si Amy, si Becca at si Mitch. Nag-aasaran kaming apat nang biglang mag-vibrate ang phone ko. Si Adam... Tumingin muna ako sa tatlo at saka pasimple kong binasa ang message niya. From: Adelle Morning... To: Adelle

