Tanga na kung tanga. Engot na kung engot. Pero masisisi ba ako kung ipinagpalit ko ang mga kaibigan ko kay Adam? Si Adam, ako lang ang meron siya sa ngayon. Yung taong inaasahan niyang mananatili sa tabi niya, lagi ding wala. Si Gracie. For the rest of the semester, hindi ko na nakasama pa ang mga kaibigan ko. Totally, ay iniwasan na nila ako. Pasalamat na lang ako sa kanila at hindi nila ako sinusumbong sa pamilya ko. There are times na nami-miss ko rin sila. Sino bang hindi makaka-miss? Halos sila na ang buhay ko, pangalawa sa pamilya ko. Pero mas kilala nila ako kaysa sa pamilya ko. Iyun bang tinginan palang, alam nio na ang tumatakbo sa isip ng isat-isa. But I have to choose. At si Adam ang pinili ko. Masama bang unahin ko naman ang sariling kaligayahan ko? Nasa isang van kami nil

