Chapter 106

1570 Words

PINAGBUKSAN ng pintuan ng driver si Luisa at ikinangiti niya iyon. “Maraming salamat po, pero, Kuya, paano ho ang bayad?” aniya rito nang tuluyang makababa sa cab. Bigla niyang naisip na problemahin kung ano ang ipambabayad sa ginoo. Nagtitipid pa naman siya dahil kakaunti na lang ang natitirang pera na kailangan pang paabutin ng higit sa isang buwan. “Okay na po, Ma’am, bayad na. O siya sige po at mauuna ako.” Tumango siya. “Maraming salamat po ulit.” Malaki ang pagpapasalamat niya sa ginoo dahil napakabait nito at wala siyang naging problema sa buong byahe. Pinagmasdan niya ang gusali na kaharap. Bigla siyang nakaramdam ng hiya dahil sa mga taong naglalabas pasok sa loob, purong sosyalin ang mga ito; talagang kaaya-aya ang mga suot, simula ulo hanggang paa. “Tutuloy pa baa ko? Parang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD