“WHO is that?!” bulalas ni Liam habang pinanonood ang ilang kuha ng CCTV footage sa loob ng isang hotel na pagmamay-ari ng pamilya ni Dylan. Itinuro niya ang isang kahina-hinalang lalaki na pumasok sa hotel. Nakasuot ito ng purong itim, mayroon din itong suot na sumbrero upang matakpan ang mukha. Subalit nakunan ng camera mula sa labas ang mukha nito sa pagpasok sa entrance. “Don’t mind him, si Piper ang kailangan nating hanapin.” Malalim na bumuntong hininga si Dylan. Samantalang napatango na lamang si Liam. Ipinagpatuloy nila ang panonood. Hinahagilap nila ang mga kuha kung saan dumaan si Piper. Alas dos ng hapon nang lumabas ang dalaga sa isang silid na pinaglinisan. Nakasalubong nito ang isa nilang kasamahan. “Who is she?” tanong ni Dylan sa isa sa area coach manager. “Beverly

