MABILIS na hinatak ni Liam ang braso ni Piper upang iiwas ito sa rumaragasang sasakyan. Kamuntik na itong mahagip, maigi na lamang at kaagad niya itong nahatak. Nauntog ito sa kaniyang dibdib at napaupo silang dalawa sa sahig. Himbis na kung ano ang isipin ay si Piper kaagad ang kaniyang naalala. He immediately scanned her. “Are you okay?!” aligagang tanong niya rito at hinawakan ang dalaga sa balikat. Nakatulala lamang si Piper sa kaniya. Hindi ito nagsasalita. “Piper, please! Answer me!” Pinunasan ng dalaga ang luha sa magkabilang pisngi at marahang tumayo. Bahagyang nanlambot ang tuhod nito sa sobrang takot at bilis ng pangyayari. Itinaboy nito ang kaniyang mga palad na nakahawak sa balikat nito. Naglakad paalis at hindi man lamang siya nilingon. Nahihirapan siyang tignan ito. K