TILA umurong ang dila ni Piper. Hindi niya nagawang sabihin ang lahat ng gustong sabihin dahil sa tuwing babalaking magsalita ay inuunahan na siya ng kasiyahan ni Dylan at ng pangungumbinsi sa kaniya ni Mr. Villareal. Hindi niya malaman ang gagawin, lalong-lalo na nang hawakan ni Dylan ang kaniyang palad at dampian ng halik ang likuran nito. Napalunok siya ng sariling laway at kaagad pasimple iyong binawi. “S-si Liam, hindi pa bumabalik,” wika niya upang putulin ang kasalukuyang paksa. Bigla rin kasing pumasok sa kaniyang isip ang lalaki. Ilang minuto na itong hindi bumabalik pagkatapos masamid sa iniinom at lumabas. “Titignan ko lang siya.” “Nah, ako na,” wika ni Dylan at tumayo. “Oh, no, Dylan. Let her. I have something to tell you.” Tuminyin sa kaniya ang ginoo. “Please excuse us fo