KAAGAD na tinungo ni Piper ang stock room kung saan nalula siya sa laki nito at dami ng mga kartong nakahilera at magkakapatong. Ngayon ay hindi niya alam kung saan magsisimulang kunin ang mga bagay na nakalista sa papel na hawak. Naglakad siya papasok sa loob, bahagyang may kadiliman doon kaya naman pinihit niya ang switch ng ilaw sa gilid subalit tila hindi ito gumagana. Ang bukas na pintuan ang tanging nagbibigay liwanag sa loob. Malalim siyang bumuntong hininga at sinimulan na lamang hanapin ang mga kinakailangang kunin. Sa paghahanap ay nakarinig siya ng kaluskos mula sa pintuan, mabilis siyang humarap doon at namilog ang kaniyang mga mata nang malakas na sumara ang pintuan at nabalot ng dilim ang buong silid. “Sandali!!” Patakbo siyang lumapit sa pintuan at sinubukan itong buksan ngu

