ALAS SIETE ng gabi nang dumating sa chapel na pinagbuburulan ng ama ni Dylan ang isang kaibigan. Lumapit ito sa kaniya at naupo sa kaniyang tabi. “My condolences, Dylan.” Malalim na bumuntong hininga ang lalaki at pinagmasdan siya. “You look exhausted. Kailan lang tayo nagkita, maaliwalas pa ang mukha mo no’n.” Inilihis ng kaibigan ang tingin sa kaniya. Hindi nito makuhang pakatitigan siya nang matagal lalo na sa kasalukuyan niyang sitwasyon. “Hindi ko akalaing mangyayari ito nang biglaan kay uncle.” He sighed. “You really never know what life will be and when will it end.” Kahit tulala si Dylan sa kabaong ng ama ay bahagya siyang naluha. Pinakikinggan niya lamang ang sinasabi ng kaibigang katabi. “This is too much, Tailor,” aniya at humarap sa lalaki, “Anong ginawa kong pagkakamali para

