HINDI NA huminto sa kagalakan ang puso ni Luisa dahil kay Dylan. Masayang-masaya siya at walang sino man o kahit ano man ang makapagpapawala nito. She felt like a princess whenever she was with him. Ngayon lamang talaga sa kaniyang buhay naranasang maalagaan nang ganoon dahil sa pagkakasakit. How Dylan treating her was everything. Masiyado nang napapalapit ang puso niya sa lalaki at hindi niya iyon makakayang itanggi. Dahil sa masugid na pag-aalaga sa kaniya ni Dylan ay kaagad siyang gumaling sa pagkakasakit. Kinabukasan pa nga ay nais nitong magpahinga siya ngunit nagpumilit si Luisa na nais nang lumabas kasama ito. Nais niyang sulitin ang mga araw ng bakasyon kasama ang lalaki. It would be the most memorable time she will have for the rest of her life. Napakasuwerte niya dahil nakasama

