"So paano, uhm una na kami, Sai," nakangiting sambit ni Kiarra sa kanya. Nasa labas na sila ng gate nila. Madilim na ang paligid at unti unti na ring bumabalik sa mga bahay nila ang mga kapitbahay nila. Tipid na ngumiti lang si Saia at saka tumango. "Babalik na kayo ng Manila?" tanong niya. Nagkibit-balikat si Kiarra. "We still don't know about that, though. Baka umuwi na lang muna kami sa mga bahay namin, Sai. We still haven't received any news kung ano na nga ba ang nangyayari sa Manila. But we'll still contact you and Naddie naman…" sandaling tumigil si Kiarra. "If papayag ka lang naman, Sai…for Naddie," pagpatuloy ni Maena at saka kinagat ang labi. Napatitig siya sa dalawa tapos kay Phil na tahimik lang. Bumuntong-hininga siya at hindi agad sumagot. "Sai, I know na hindi p