"Omg! I'm so excited na to see your daughter, Sai!" patiling sambit ni Courtney tapos ay umangkla kay Saia. "Yung bata di excited sa'yo, Courts," sabat naman ni Ericka na sinamaan lang ng tingin ni Courtney. Natawa na lang ulit si Saia. Nakaangkla pa rin si Courtney sa kanya. Naglalakad na sila papunta sa bahay nila kasi nga excited na ang mga itong makita si Naddie. "Hindi ba kayo pagagalitan ng mga magulang ninyo at nagliliwaliw kayo?" tanong niya pa. "Nah, nagpaalam kami tsaka hello, sinusulit lang namin ang bakasyon namin no. I mean balik na rin naman kami sa Auxin next week so, yeah. Okay lang, Sai," sabi ni Ericka. Tumango tango lang si Saia. Nang malapit na sila sa bahay ay bahagya pa siyang napatigil nang makita ang pamilyar na sasakyan ni Phil na nakaparada sa labas ng