Agad na napatayo si Saia at napatingin sa loob ng bahay. "Ericka! Ericka!" Mabilis niyang ipinasok si Naddie sa loob habang patuloy ang pagtawag kay Ericka. "O, bakit ba?" salubong ng kaibigan sa kanya. Huminga siya nang malalim at saka agad na ibinigay si Naddie rito. "Mama bakit po?" inosenteng sambit ni Naddie. Tipid na nginitian niya lang ito at saka ginulo ang buhok. Binalingan niya si Ericka na nakakunot pa rin ang noo sa kanya. "Ipasok mo na siya, please,"mariing bilin niya. "Ha? Bakit ba kasi? Okay ka lang ba? Para kang —" "Basta!" putol niya rito at saka nagmamadaling tumalikod. "Sige na, Ericka!" pahabol pa niya bago mabilis na naglakad palabas ng gate nila. Binalikan niya ng tingin kung saan niya nakita ang lalaki kanina pero wala na ito roon. Mas lalo siyang kina