"Saia? Anong nangyari, uy?" Hindi pinansin ni Saia ang pagtawag ni Courtney at dire-diretsong pumasok lang ng bahay. Narinig niya pang tinawag siya ni Naddie at Ericka pero hindi siya sumagot at tuloy-tuloy lang na pumasok sa kanyang kwarto. Pabagsak siyang umupo sa kanyang kama at saka roon tumungo at hinayaan ang kanyang luhang rumagasa sa kanyang pisngi. Inis na itinakip niya ang kanyang dalawang kamay sa kanyang mukha at doo. Umiyak nang umiyak. Her mind was haywire. Hindi niya alam pero sobrang bigat lang ng pakiramdam niya kahit na parang blanko naman ang utak niya. Hindi niya maintindihan. She just feel so numb but she can't just stop crying. "Saia. Saia, anong -" Agad ding napatigil si Rose nang makita ang pinsan na nasa ganoong posisyon. Naitakip nito ang isang kamay sa bi