A year later… Hindi mapigilan ni Saia ang mapangiti habang pinagmamasdan ang pamilyar na traffic sa labas ng sasakyan. Sa loob ng isang taon ay ngayon lang ulit siya nakakita nang ganoong traffic at ganoon kainit na panahon. Nakakapanibago sa kanya pero hindi niya maipagkakailang na-miss niya rin naman talaga ito. Na-miss niya ang feeling na parang at home na at home siya. Bumuntong-hininga siya. Well, guess they're finally home now. Nilingon niya ang katabing busy sa pag-aayos ng rubic's cube nito. Kunot na kunot ang noo nito at nakanguso pa ang mga labi habang mukhang gulong gulo sa kung paano at saan itu-twist ang hawak. Hindi niya mapigilan ang matawa. Ginulo niya ang buhok ni Naddie at inayos ang naka-pigtail na tirintas nito. "Hey, you okay baby girl?" Napatingin siya sa ba