Bumuga ng hininga si Saia habang inaayos ang mga maruruming damit ni Naddie sa kanilang basket. Alas otso na ng umaga at kakapalitan lang nila ng nanay niya. Babalik na rin naman siya pagkatapos niyang mag-ayos ng mga gamit nila at pagkatapos nilang mag-usap ng Lights Out. Bumuntong-hininga siya at saka tumayo. Narinig niya ang pagbuga ng hininga ni Rose sa kanyang likod. "Nag-usap na kayo ni tiyang? Anong sabi niya pala sa paghingi mo ng tulong sa mga kaibigan mo?" pahina nang pahina ang boses nito habang sinasabi iyon. Bumuntong-hininga lang ulit si Saia at hinarap ang kanyabg pinsan. "Ayoko ring gawin talaga ito, Rose. P-Pero ano pa nga bang pamimilian ko? Ang sabi ng doktor, kailangan asap nang madala si Naddie sa Maynila. Kailangan na niyang ma-operahan." Lumunok siya at agad na na