"Naddie, wag lalayo. Diyan lang kayo," saway ni Saia habang naghuhugas ng mga pinggan. "Chill, Sai. Nandoon naman si Duke." Sumulpot sa tabi niya si Kiarra. Agad siyang nag-iwas ng tingin at ipinokus na lang ang kanyang atensyon sa kanyang ginagawa. Narinig niyang bumuntong-hininga si Kiarra. Hindi pa rin niya ito pinansin. It's been days. It's been days since pinayagan niya si Naddie at si Duke na magkasama. Halos araw araw na nagpupunta ang Lights Out at sa araw araw na iyon ay wala siyang naging imik sa mga ginagawa ng mga ito. Hinahayaan lang niya ito sa mga ginagawa nito kasama si Naddie gaya ng pagpapabaya niya kina Kiarra, Maena at Phil noon na dumalaw kay Naddie noon. Ni hindi niya pinapansin si Duke. Si Naddie lang ang kanyang tinututukan talaga. So far, so good naman. Mas m