Hindi alam ni Saia kung paano siya napapayag na sumama kay Naddie sa tinutuluyan ni Duke. Ni hindi niya alam na may tinitirhan na ito sa lugar nila! "Sai?" Muntik pa siyang mapatalon nang may tumapik sa kanyang likod. "Okay ka lang, Sai?" tanong ni Kiarra. Bumuga siya ng hininga at saka tiningnan ang si Kiarra. Lumunok pa siya. "Halika na, Mama!" Hindi na siya nakapagsalita pa nang bigla siyang hilahin ni Naddie papasok ng bahay. Nasa sentro iyon at parang yung bahay lang na tinutuluyan nila noon sa competition. Isang two-storey iyon. Mas malaki sa bahay nila pero hindi rin naman ganoon kalaki. Parang enough lang sa apat. "Papa! Saan tayo matutulog?" Muntik pang mabilaukan si Saia nang marinig iyon kay Naddie. Napalunok siya at agad na napatingin kay Duke. Pinanlakihan niya ng