“Hoy Eva! Ano yong pinagkakalat mo na ako ang nagsasabi ng kung ano-anong masama sa mga pictures mo! Anong ebidensya mo!” narinig kong sigaw ni Ichigo at agad akong tumayo sa counter at nagtungo papunta sa kanya. Kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa galit at tingin ko ay masasaktan niya na talaga ako kapag nagsalita pa ako. Hindi ako nagpadala sa galit niyang emosyon lalo at wala naman akong ginagawa talaga. Humalukipkip ako at umismid pa talaga para mas lalong mainis sa akin si Ichigo. May ilang saleslady siya na kasunod at pinapaypayan siya kahit na may aircon sa loob ng mall, tagaktak pa rin ang pawis niya. “Kung hindi ikaw ang may gawa, bakit trigger ka ng sobra? Bakit hindi mo ko ipakulong at pa-imbestigahan natin ang talagang nangyari?” tanong ko sa kanya at na