Simula nang gabing iyon, palagi na akong kinukulit ni Kristina at gusto niyang makasama ako sa lahat ng lakad niya pero hindi ako pinapayagan ni Max. “Delikado kapag sasama ka sa kanya, hindi pwedeng makilala niya ang mga tauhan ko,” sabi sa akin ni Max nang sinubukan ko ulit magpaalam sa kanya. Kahit ilang beses ko ipaliwanag kay Max ay hindi niya ako magawang payagan. “Eh di doon na lang ulit sa restaurant!” sagot ko sa kanya at may halong pagmamaktol. Gustong-gusto ko kasi na makuha nang buo ang loob ni Kristina at ang pagpapaunlak sa gusto nito ay isa sa mga paraan ko. “Sige pero gusto kong nasa paligid ang mga tauhan ko,” sagot ni Max sa akin at agad ko siyang niyakap dahil sa sobrang saya. Matagal na rin simula nang magkaroon kami ng ganitong kalapit na pagsasama dahil naging a