Marco TAGAKTAK ang pawis at hindi ko maisip kung ano ang gagawin ko ngayong hindi mahanap kung saan nagtungo si Elise. Nais ko mang maging kalmado at hindi ko magawa. "Tinawagan mo na ba?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni mommy. "Ilang beses ko na pong ginawa, ma, pero walang sumasagot at maya-maya lang, nakapatay na 'yong cell phone niya," tugon ko na halos hindi ko na mailahad nang maayos ang aking sasabihin. "Kumalma ka muna, anak, nang makapag-isip tayo nang maayo," payo sa 'kin ni daddy, ngunit kahit ilang beses pa nilang sabihin na kumalma ako, hindi ko pa rin magawa. Dahil sa nangyari, nagdesisyon kaming i-anunsyo sa mga taong handa nang masaksihan ang kasal namin ni Elise ang pag-posponed ng kasal. Hindi namin sinabi sa kanila kung ano ang nangyari, dahilan upang maging ang mga

