Elise NAGSIMULANG marinig ang magandang musika sa paligid. Ang mga bisita ay isa-isang nagsidating sa simbahan. Ang mga tao ay nasasabik sa pagdating ng araw na ito. Mahabang proseso at maraming kailangan i-adjust para lang magtugma ang mga schedule at ngayon, dumating na rin ang araw na pinakahihintay ng lahat – ang kasal namin ni Marco. Hindi ko kailanman naisip na muli kong mararamdaman ang bagay na ito. Hindi ko lubos maisip na mangyayari pang muli na ako ay ikakasal. Ang akala ko noon, si Bryan na ang una at huli kong mamahalin ngunit nagkamali ako. Dahil sa nangyari sa dati kong relasyon, natuto akong maging matatag at lumaban sa buhay. Natuto akong ipaglaban ang tama at unahin ang sarili sa lahat ng desisyon na aking gagawin. Masasabi kong naging malaking bahagi ng aking buhay si

