Bryan SA MGA oras na ito, hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman. Naghahalo ang iba't ibang emosyon na bumabalot sa akin habang pinagmamasdan ang isang puting testing kit na may dalawang pulang guhit na nakapatong sa aking lamesa. Halong saya, lungkot, excitement, at kung ano-ano pa. Hindi ako sigurado kung tama ba na maramdaman ko ito ngunit ito ang sinisigaw ng aking damdamin. "T-Totoo ba to?" muli kong tanong kay Samantha na ngayon ay nakaupo sa visiting chair na nasa aking harapan. Nababakas sa kanyang mukha ang tuwa at pagkasabik sa mga bagay na nangyayari. Nagsimulang mamuo ang luha sa kanyang mga mata at marahang tumango sa akin bilang tugon. Dahil sa nakita kong expression sa kanyang mukha, nagsimulang kumirot ang aking puso at naramdaman pagiging sinsero ng pagmamahal