Chapter 18 - Trigger warning. Scene may contain violence.

2234 Words

Bryan "TAY! Tama na po! Tama na, tay!" Sunod-sunod na sigaw ang maririnig sa loob ng isang maliit na bahay. "Hindi ka na talaga nagtanda! Hindi ba sinabi ko na sa 'yo na tigilan mo na ang paglalaro sa mga batang nasa lansangan? Dapat sumakay ka sa mga jeep at mamalimos! Iyon dapat ang ginagawa mo!" Mariin akong napapikit nang muli akong hampasin ng aking ama. Gamit ang bakal na mula sa kanyang sinturon, nagsimulang dumami ang pasa na makikita sa aking balat. Wala akong magawa kung hindi ang umiyak. Walang magawa kung hindi magmakaawa na animoy hindi naman niya naririnig. Wala siyang pakialam kahit pumutok pa ang nguso ko dahil sa gulpi mula sa kamay niya, ang mahalaga sa kanya, mailabas ang lahat ng sama ng loob niya sa akin. Ang totoo, matagal ko nang tinatanong kung anak ba niya ta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD