Andrea TAAS ang kilay akong nakahalukipkip habang nakatayo at nakatingin sa dalawang manlolokong naglalampungan ngayon sa aking harapan. Kailan pa sila nagka-ayos nang ganito? Nakaupo si Samantha sa binti ni Bryan, habang ang hayop na lalaking iyon ay animoy in-love na in-love na nakatingin sa babaeng iyon. "Ahem!" kunwari kong pag-ubo upang mapansin nila ako. Mabilis namang napalingon ang dalawa nang mapagtanto nilang nasa harapan na pala nila ako. Nang tumama ang mata ni Bryan sa aking direksyon, tila ba naaligaga ito at agad na hinawakan si Samantha sa kanyang baywang at pinaalis ito sa pagkakaupo sa kanyang binti. Kumunot naman ang noo ni Samantha dahil sa ginawa ni Bryan. "N-Nandito ka pala, Andrea. Kanina ka pa ba rito?" tanong niya sa 'kin na animoy nahihiya sa bagay na akin