Andrea "SINO tong nag-message sa 'yo, ha? Malapit na tayong ikasal lolokohin mo pa ko?" Matapos kong ilapag ang kape na hinanda ko para kay Bryan dito sa kanyang lamesa, sabay kaming napalingon pinto nang galit na galit na pumasok si Samantha. Dirediretso siyang lumakad patungo sa kinaroroonan ni Bryan. Lumayo naman ako upang magbigay ng daan sa kanya, saka ako nanood sa kanilang pagtatalo na animoy nanonood ako ng isang pelikula. "Ano na naman bang pinagsasasabi mo?" kunot-noong tanong ni Bryan kay Samantha. "Ito! Ipaliwanag mo to! Nabasa ko 'yan kagabi habang natutulog ka. Pinicturan ko sa cell phone mo, message ng babae mo!" sunod-sunod na bulyaw ni Samantha kay Bryan. "Ano bang–" Natigilan sa pagsasalita si Bryan nang tingnan niya ang mensaheng sinasabi ni Samantha. Lihim siyang

