Andrea HUMALUKIPKIP ako at lumapit sa MC upang sa oras na tawagin niya ang aking pangalan, madali akong makalalapit sa dalawa. Isipin ko palang ang magiging reaksyon ni Samantha sa lahat ng mangyayari, natutuwa na ako. Excited na akong makita siyang magkapirapiraso. Nais ko nang makita kung paano siya umiyak sa harap ng mga taong nandito ngayon. Sinimulan kong ilibot ang aking paningin habang nakangiti. Nais kong makita ang hitsura ng mga taong makakasaksi ng mga mangyayari ngayon. Hanggang sa maya-maya lang, nanlaki ang aking mga mata nang tumama ang aking tingin sa isang pamilyar na mukha. Tinitigan ko pa itong mabuti upang makasigurado. Nagsimulang mabalot ng kaba ang aking puso nang mapagtanto ko kung sino ang taong ito – si Marco, ngunit anong ginagawa niya rito? "First of all, I

