Chapter 24

1611 Words

Andrea MARAHAN akong hiniga ni Bryan sa kama na animoy isang sanggol. Punong-puno ng pagnanasa ang kanyang mga mata na tila ano mang oras, nais na niya akong maangkin. Isang matamis na ngiti ang binigay ko sa kanya. Ngunit bago niya sunggaban ang aking labi, inaya ko muna siyang uminom muli ng isang lagok ng wine na hinanda ko kanina. "Sabik na sabik na ako sa 'yo, Andrea. Tapos paiinumin mo pa ko ulit?" kunot-noo niyang wika. Impit akong natawa dahil sa kanyang sinabi. Nilapat ko ang aking daliri sa kanyang labi at mapang-akit na nagsalita. "Mas maganda kasi ang hilo sa alcohol, mas wild pa ang magagawa natin," wika ko sa kanya, dahilan upang tumaas ang gilid ng kanyang labi na animoy mas uminit pa ang pagnanasa. Pareho kaming umupo sa tabi ng kama, saka ko kinuha ang baso ng alak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD