Andrea PINAG-INTERTWINED ko ang aking mga daliri habang nakapalumbaba sa harap ng aking laptop. Tanging liwanag mula rito ang nagsisilbing ilaw sa paligid. Seryoso akong nakatingin sa screen ng laptop habang humahanap ng maaari kong gamitin bilang ebidensya para sa aking pagkamatay – sa pagkamatay ni Elise. Ito na ang susunod kong hakbang. Sa pagkakataong ito, matapos kong mapaghiwalay ang dalawang demonyo na iyon, panahon na upang bawiin ko naman ang kung anong dapat ay sa 'kin. Gamit ang internet, binalikan ko ang nakaraan, ang balita kung saan nakasaad ang pagkamatay ko at ang announcement ni Bryan sa pagiging byudo niya. Nang sa wakas ay matagpuan ko na ang aking hinahanap, kumunot ang aking noo at nagsimulang kumulo ang aking dugo dahil sa inis. Sa article na nakalagay rito, tila

