Andrea MAKALIPAS ang ilang araw, naramdaman kong hindi na ako nag-iisa sa laban na ito. Sinigurado ni Marco na tutulungan niya ako sa legal na paraan. Tulad ng ginawa niya sa aking impormasyon, sinubukan niyang paimbestigahan ang bagay na ginawa ni Bryan sa akin. Sa ngayon, pareho kaming naghihintay ng resulta tungkol dito. Ang sabi ni Marco, hayaan ko muna siyang gumalaw upang malaman namin kung paano makakahanap ng ebidensya laban sa dalawang taksil, wala akong gagawin kung hindi ang maghintay muna. Hindi na rin niya ako pinapasok sa opisina dahil ayaw niyang makitang kasama ko si Bryan, pabor din naman sa akin ang bagay na iyon dahil nasusuka na rin akong makita si Bryan. *** Kinabukasan, kinailangan kong bumili ng supply sa bahay at stocks ng aking kakainin kaya lumabas muna ako up

