Chapter 28

2010 Words

Andrea HINDI ako mapakali habang naglalakad sa hallway ng gusali ng EMadison Corporation. Ang mga empleyado ay nakasunod ng tingin sa akin habang bumubulong sa isa't isa. Kibit-balikat na lang ako at hindi na lang sila pinansin, saka ako dumiretso sa elevator patungo sa presidential floor. Anong problema ng mga 'yon? wika ko sa isip. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? O baka naman may balita na naman silang pinagpipiyestahan tungkol sa 'kin. Hindi na ako magtataka, likas na marites ang mga tao sa paligid ko. Makalipas ang ilang minuto, tumigil sa isang palapag ang elevator na sinasakyan ko. Bumukas ang elevator at dalawang babae ang pumasok sa loob. Nakatingin pa ang mga ito sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Ang mga tingin nilang iyon ay animoy humuhusga sa aking pag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD