Andrea KINUHA ko ang aking cell phone mula sa bulsa ng aking skirt, saka ito tinaas at pinakita kay Bryan. "Cell phone. Just my cell phone," pagturo ko sa aking cell phone saka impit na tumawa. "Kumusta, anong nangyari?" pilit kong pagbago sa usapan at pagtukoy ko kay Samantha na alam kong kinausap niya kanina. Mabuti na lang at nabago ko ang takbo ng aming usapan at nalihis ang bagay na kanyang iniisip. "Ayon, mabuti at napaalis ko siya. Gusto pa niyang pumunta rito sa loob ng aking opisina, pero hindi ko alam kung bakit kumukulo na ang dugo ko ngayon sa tuwing nakikita ko siya." Tumaas ang aking kilay dahil sa kanyang sinabi. Ganoon kabilis magbago ang damdamin ng lalaking ito. Mukhang wala siyang balak seryosohin ang mga babae sa paligid niya. "That's good," wika ko. Sinimulan ko

