Jessie’s POV Tuluyan nang nagbago ang lahat sa akin ngayon. Tulad ng sinabi ni Kalil sa akin kanina ay kakaiba na ang pagpunta namin rito ngayon. Hindi tulad kahapon na sa kapaligiran ako nabibighani ngunit sa puntong ito ay kay Kalil ko na iyon nararamdaman. Malakas ang dating niya sa akin at hindi ko na alam pa kung kaya ko pa bang pigilan ang aking sarili sa puntong ito. Nais ko siyang itulak ngunit hindi ko magawa. Parang nanlumo ang buong katawan ko sa puntong ito ni aking pangalan ay alam kong mahihirapan na rin akong sambitin. Mahigpit na nakakapit ang aking kamay sa leeg ni Kalil at sa puntong ito ay kusa kong idinitdit ang aking katawan papalapit sa kanya. Ito ang unang beses na maramdaman ko ito—ang matinding init sa aking katawan na kay hirap nang patayin. Ang init na aking n