“Zy?” “Hmm?” “Iyung totoo. Napilitan ka lang bang umoo nung pinilit kitang maging official boyfriend ko?” Nandito pa rin kami sa garden ni Ninang Clover, at naubos na namin iyong mga finger foods. In fact, pizza, pasta, at ice cream naman ang kasunod naming nilantakan. Pinahatiran kami ni Tita Clover kina Josh at Jett. Nakahiga si Zyrus sa bench, at nakaunan ang ulo nito sa hita ko. Sinusuklay-suklay ko ang isang bahagi ng buhok niya. “Oo,” walang gatol nitong sagot. Napahinto ako sa pagsuklay sa buhok niya. Ganun? Tama pala ako… “Kunwari…” nakangiting pahabol ni Zyrus. “Ano’ng kunwari?” Pinaningkitan ko ng mga mata si Zyrus. Ang gulo eh! "Siyempre, kunwari napilitan lang ako. Hindi ko kasi alam kung j