[Zyrus] “Na-Nakikipag-break up ka na ba sa akin?” Sh*t! Wrong choice of words yata! “Ysa, Ysa. I mean – wait.” Marahas akong nagbuga ng hangin. Kita ko ang malungkot niyang mukha. Ang tila naiiyak na niyang mga mata. Why do I need to do this? Kasi ito ang usapan namin ni Tito Klarence. “Ysa, I want to end… this. Call it a break-up. Okay. Because I want us to start all over again.” This time, hindi na napigilan ni Ysa ang pagpatak ng mga luha niya. Natatarantang agad ko siyang nilapitan at saka sinapo ang magkabilang pisngi niya, at pinunasan ng mga hintuturong daliri ko ang mga pisngi niyang nabasa. “Ysa, making ka muna sa akin. Hear my explanation. Please?” Sinamantala ko ang pananahimik niya, at saka