Dahan-dahan akong naglakad sa natutulog na si Zyrus sa hospital bed. Noong una, akala ko ay may nangyaring masama kay Zyrus doon sa isla kaya siya nasa hospital. Pero gusto lang pala makatiyak ni Tito Chad na okay ang kalusugan ni Zyrus. Lalo pa, at nakalanghap ito ng hangin na may sulfur. Isa pa, tunay namang nakakapanghinang emosyonal ang malagay ka sa ganoong sitwasyon. Huminto ako sa gilid ng kama ni Zyrus. Nakapikit pa rin ito at mukhang tulog na tulog. Pinagmasdan ko ang guwapong mukha nito. Sa napakatagal na panahon na magkakilala at magkasama kami ni Zyrus, ngayon ko lang napagmasdan ang mukha niya nang ganito kalapit at ganito katagal. Iyong tipo ng mukha na para bang sinadyang nililok ng isang eskultor. Mula sa tila perpektong pagkakaguhit na kilay, sa hindi nam