“Ninang? May—May masama po bang… nangyari kay Zyrus?” nanginginig ang boses na tanong ko. “Sorry… sorry…” iiling-iling na sabi nito, sabay bukas sa dala niyang sling bag at saka naglabas ng tissue. Pinunasan nito ang pisngi niya, at saka muling kumuha ng tissue para naman suminga. “Pasensiya ka na sa akin, Ysa. Sorry kung napag-alala kita sa biglaan kong pagpunta rito.” Ganun man ang sinabi ni Ninang Pepper, ay hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko. “Actually, nagpunta lang ako rito kasi nag-aalala ako sa iyo. Hanggang ngayon, tuloy pa rin ang search and rescue operations nila. Salamat na rin sa Daddy mo sa pagpapahiram ng dalawang chopper niya.” Para naman akong nabunutan ng tinik. Thank God. Pinakaba naman ako ng bongga ni Nin