“Ito ang isuot mo ngayong dinner, Ysa. Tiyak na bagay na bagay sa iyo ito. Ako ang nag-design niyan” Naka-upo ako sa gilid ng kama ko. Nung pagalitan ako kanina ni Daddy sa may beachfront ay inaya ako ni Mommy paalils doon at saka sinamahan sa kuwarto ko para maligo. Kanina kasi ay puro buhangin ang katawan ko. Inilapag ni Ninang Pepper sa tabi ko ang isang off-white na spaghetti strapped na bestida. Sa pinaka-laylayan ay nadidisenyuhan ng mga kulay asul na mga bulaklak. Pa-V-neck ang neckline nito. Maganda man ang bestidang gawa ni Tita Pepper, ay hindi ko magawang i-appreciate dahil sa nakakainis na pangyayari kanina. Wala na. Nasira na ang mood ko. Sirang-sira na ang plano ko. “Thank you po, Ninang, Pero, bakit naman nag-abala ka pang gu