"Rhyan!!!" Mabilis kong hinubad ang suot kong seatbelt at patakbong lumabas ng kotse. "Rhyan!!!" Sinubukan ko siyang awatin mula sa pambubugbog niya sa mukha ni Niall na ngayon ay duguan na habang nakahiga sa lupa at nasa ibabaw naman nito si Rhyan. "Rhyan, tama na!" Malakas ko siyang hinila sa braso at laking pasasalamat ko dahil nagpaawat naman siya. Ngunit laking gulat ko nang sa pagbangon ni Niall ay siya naman ang umamba ng suntok kay Rhyan at tinamaan din ito sa mukha. Tumalsik din si Rhyan at napansandal sa kotse niya. "Niall, tama na!" Kaagad akong gumitna sa kanilang dalawa upang awatin ang muli sana nilang pagsasabong. "Isa lang, makaganti man lang ako sa malaking atraso niya sa akin." "Tama na!" sigaw ko pa rin sa kanya habang inaalalayan na si Rhyan. Nakita ko naman ang