Matapos kong ibalik ng maayos sa cabinet ang mga damit ko ay mabilis din akong nagpalit ng damit at bumaba sa living room nang hindi ko na siya nakita sa aming silid. "Ate, nakita mo po ba si Rhyan?" tanong ko sa isang kasambahay na nadaanan kong abala sa pagpupunas ng mga malalaking jar sa living room. "Hindi ko po napansin, Ma'am eh. Gusto niyo po bang hanapin ko?" "Okay po, Ma'am." Minabuti ko munang magtungo sa kusina nang makaramdam akong bigla ng pagka-uhaw. Ilang kasambahay lang naman ang naabutan ko doon na kaagad nagsibati sa akin. Hindi ko na nakita sila Yesha at Allure at mukhang natapos na sila sa pagluluto dahil inililigpit na ng mga kasambahay ang sa tingin ko ay mga ginamit nila sa pagluluto. "Nagugutom po ba kayo, Ma'am?" magalang na tanong ng isa sa akin. "Ah, hind