Hindi na ako nakipagtalo kay Dos nang sabihin niyang dito na kami titira ni Marthina sa Hacienda Lopez. Hinayaan ko na lang muna para magkakilala at makapag-bonding silang mag-ama. Wiling-wili rin naman si Lola Cion sa apo niya. Sa pagkaka-obserba ko nga ay parang mas sumisigla siya araw-araw. Dito na rin ako dinadalaw ng mga kaibigan ko. Pati si Mama at Papa ay minsan na ring napunta dito sa Hacienda Lopez. Hinayaan ko namang makipaglaro sila kay Marthina, pero hindi ko na sila nilabas. Si Dos lang ang humarap sa kanila. Sinasamahan din ako ni Dos kapag pupunta ako sa Hacienda Bustamante. Kahit pa, tiwala naman ako kay Julian, iba pa rin iyong hands-on ako sa asyenda. Tutal naman, buhay pa naman ako at malakas, kaya samantalahin ko muna iyon. Isa pa, para ma-familiarize na rin si Dos