Papunta na kami ni Dos sa S.A.N Hospital. Iniwan namin si Marthina kay Emily. Iyon naman talaga ang plano ni Dos, kaya isinama niya si Emily. Kung si Julian naman kasi ang kasama ko, maiiwan silang dalawa ni Marthina sa sasakyan habang nakapila ako sa check up ko. I am ten minutes early sa nakatakda kong schedule. May time pa ako para mag-CR at mag-retouch bago magpunta sa room ni Dra. Rosemarie Pascua, ang aking OB-Gyne. Kaya pagka-park ni Dos sa sasakyan niya, dali-dali na akong bumaba. Nagulat na lang ako nang makarinig ako ng pagsasara pa ng isang pintuan maliban sa pintuang nilabasan ko. Nagkaroon ako ng hinala kaya nilingon ko ang gawi ni Dos. Nakita kong nasa labas na siya ng sasakyan, dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. Tatanungin ko sana siya, pero naunahan niya akong m