"Sh*t, Jazz! Ano na naman ba 'to? Bakit ikaw na naman mag-isa ang nagpapasya? Isama mo naman ako sa mga desisyon mo. Parang awa mo na..." "Isasama para iwanan din pagdating ng araw? Para malugmok ka at sumunod sa akin? Dos, kailangan ka ni Marthina. Kailangan ka ng anak natin. Ako lang ang pwedeng mawala, Dos. Kailangan kong iwanan sa 'yo si Marthina." "B**lsh** naman talaga, Jazz! Sino ka ba para magsabing mawawala ka at iiwan mo kami ng anak natin?" "Dos, let's stop talking about this. You had your own life with your fiancee. Ingatan at mahalin mo siya, pero siguraduhin mo lang na hindi mo mapapabayaan ang anak natin." "Jazz!" may galit ang tono ng boses ni Dos. Napahawak ako sa ibaba ng tiyan ko. Parang may kakaiba akong naramdaman doon. Umiling ako kay Dos. I need to go back to