Pinunasan ko ang mga mata kong hilam na sa luha. "Unang-una, nahirapan din ako, Dos. Hindi lang ikaw ang nahirapan." Nilabanan ko ang tingin ni Dos. Sa kanya rin ako huhugot ng lakas ng loob. Hindi magiging madali para sa akin na balilkan ang kuwentong ito ng buhay ko. "Yes. I was having symptoms of pregnancy kaya I decided to schedule a pre-natal check-up with Dr. Pascua. At the same time, noon ko lang din nalaman na I was diagnosed with Endometriosis. You see, nakalimutan ko na iyong last check-up ko na iyon, wherein I am complaining of my monthly menstrual cramps. Nahiya kasi ako sa 'yo last time na inalagaan mo pa ako during my painful monthly period. Ayokong nakikita mo akong ganun, that's why I consulted a doctor para maiwasan o ma-lessen ang pain. But ayun nga... hindi lang pal