Halos hindi ako nakatulog. Pagising-gising ako sa buong magdamag, nagbabakasaling dumating na si Dos. Pagkatpos ko patulugin kagabi si Marthina, gusto ko sanang i-text si Dos. Nahiya nga lang akong gawin. Ayaw ko namang magmukhang ako iyong fiancee. Tumagilid ako paharap kay Marthina. Sana man lang kasi, nag-text man lang siya na hindi siya dito matutulog. Para hindi ako nag-iisip. Feeling may relasyon, Jazz? Wala naman kayo, di ba? Naiinis na tumihaya ako ng higa. Nag-aalala lang naman ako. Sinaktan ko si Dos. Baka mamaya kung ano na ang maisipang gawin nun. Ano ba itong nangyayari sa akin? Para akong baliw. Bumangon ako at saka kinuha ang telepono ko sa ibabaw ng side table. Mabuti pang makibalita ako kay Thirdy kumg nasaan si Dos. To: Thirdy Gising ka na ba? Hindi ko