Nagpaalam sa akin si Doktora na mauuna na siya sa akin. Gusto niya sana akong isabay pero ako ang tumanggi dahil mas gusto ko munang mapag-isa. Sa dalawang oras na pag-uusap namin ay pakiramdam ko ay kilalang-kilala na namin ang isa't isa. Mali pala ako ng inaakala sa kaniya noon dahil mabait pala ito at masarap na kasama. Ilang beses niya rin akong sinaway na tigilan ko na ang pagtawag sa kaniya ng doktora dahil lahat ng mga kaibigan niya ay pormal lang sa kaniya. Gumaan ang pakiramdam ko sa aking narinig dahil simula ngayon ay tinuring niya na akong kaibigan. "Salamat, Marie," sinsero kong ani. Nginitian niya ako bago ito umalis at kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam pagkatapos ng mahabang araw. Mag-isa na lang ako ngayong nakaupo sa malawak na buhangin habang patuloy pa rin