Inangat ni Sky ang kaniyang mga tingin sa langit at hinayaan lang nito ang pagdaloy ng mga luha sa kaniyang pisngi. Parang gusto ko siyang yakapin nang mahigpit para kahit papaano ay mabawasan ang kalungkutan niya. Ngunit alam kong hindi niya iyon hahayaan dahil napuno siya ng pagkasuklam sa akin. Dahan-dahan kong hinakbang ang aking mga paa sa buhangin at nilapitan ko siya sa kaniyang pwesto. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya at wala rin akong ideya kung paano ko sisimulan ang pagsasalita. Ang tanging alam ko lang ngayon ay gusto ko siyang makausap kahit ito na ang huli naming pagkakataon. Kahit pagkatapos ng bakasyon nila ay hindi na kami ulit magkita pa. Naisip ko na ayaw kong umalis siya rito ng hindi ko naaamin sa kaniya ang totoo kong nararamdaman hanggang ngayon. Gu