Chapter 8: Confusing

1609 Words
SUMAPIT ang umaga. Nasa private room na si Mikaela. Magdamag gising si Louie dahil binabantayan niya si Mikaela. At hindi mawala sa utak niya ang naging pag-uusap nila ng ama ni Mikaela. Gumugulo iyon sa isipan niya.  “Kamukhang-kamukha mo ang anak niyo ni Mikaela. Hindi maikakaila na anak mo talaga siya. Paano kung mapansin na iyon ng aming anak?” tanong ni Nestor, habang nagbabantay sila sa labas ng recovery room.  “Dad, siguro ‘wag po muna nating isipin iyan. Ang isipin po muna natin ang kalagayan ni Mikaela at ang anak namin.”   “Sabagay, noon pa man na lumapit ka sa amin at nakilala kita, buo na ang tiwala ko sa iyo,” paliwanag na lang ni Nestor. Tinapik-tapik pa nito ang balikat ni Louie. “Salamat po!” Napailing ang ulo ni Louie. Ayaw niya munang isipin ang bagay na pwedeng magdulot ng pangamba sa kanyang damdamin. Habang tinititigan niya ang mukha ni Mikaela, bumukas ang pinto ng kwarto. Dumating na sina Lily at Ruth. Nang nakita ng dalawang dalaga si Mikaela na tulog pa, nagdesisyon na lang silang pumunta sa nursery room at doon sila maghihintay ng oras. Aabangan nilang magbukas ang kurtina upang masilayan na nila ang munting anghel nina Louie at Mikaela. Sobrang nagagalak sila ng lubos.  Samantala, hindi pa rin nakauwi si Louie sa kanyang penthouse. Hindi pa rin siya nagpapalit ng damit. Wala naman kasi siyang nabitbit na gamit dahil sa kanyang pagmamadali. Namamaga na rin ang kanyang mga eyebags, dahil wala pa rin siyang tulog sa pagbabantay niya kay Mikaela. Ngunit, hindi talaga maiwasan ng kanyang mga mata ang pumikit. Hindi naman siya sanay na walang tulog. Nang mag-isa pa lang siya, nang hindi pa siya nagpapakita kay Mikaela, may sinusunod siyang oras sa bawat galaw niya. Pagpatak ng als-onse ng gabi, kahit ano pa ang kanyang ginagawa, kinakailangan na niyang matulog.  Nag-unat siya ng kamay. Minasahe niya ang kanyang magkabilang pisngi. Pinisil-pisil niya ang kanyang ilong. Pero kahit ano ang kanyang iwas sa antok, hindi niya kayang labanan ang kanyang mga mata. Isinubsob niya ang kanyang ulo sa kama. Pumikit ang kanyang mga mata. Naisip rin naman niyang, wala namang sigurong masama kung matutulog siya kahit panandalian lamang. Tuluyan na sana siyang mahuhulog sa tulog, pero may biglang kumatok sa pintuan na siyang kanyang ikinagulat. Pinakinggan niyang muli, kung sa kwarto nga ba nila ang may kumakatok. “Anong ginagawa ng dalawa? Kanina hindi naman sila kumatok?” reklamo ni Louie sa kanyang sarili. Nang tuluyan na sanang pipikit ang kanyang mga mata, biglang may kumatok sa pinto. Tumayo siya at itinaas niya sa ere ang kanyang mga kamay. Nang buksan niya ang pintuan, nagising ang kanyang diwa.  “Vince, what are you doing here? Kailan ka pa dumating?” Si Vince ang matalik na kaibigan ni Louie. Siya ang kasamang lumaki ni Louie sa bahay-ampunan. Higit pa sa magkaibigan ang kanilang turingan. Hindi man pareho ang kanilang magulang, pero para silang tunay na magkapatid. Kahit magkaiba ang kanilang buhay na pinanggalingan, para namang itinadhana silang magkita at magsama. Kung si Louie ay iniwan siya ng kanyang ina sa bahay-ampunan, si Vince naman ay ulila na ng lubos. Sa kalsada nabuhay si Vince, kasama ang mga iba pang batang palaboy. Inabandona din kasi siya ng kanyang mga natitirang kamag-anak dahil sa kahirapan ng buhay. Walang gustong kumupkop sa kanya, dahil pampadagdag lang daw siya gastusin. Naging swerte si Vince, dahil kasama siya sa nadampot na madala sa bahay-ampunan, upang maiwasan ang anumang masamang tukso na maaaring gawin nito. Mabuti na lang, hindi pa nakakagawa ng anumang kasamaan si Vince. Malinis pa rin ang kanyang pagkatao sa kabila ng kanyang karanasan bilang isang palaboy na bata. Tinupad nina Louie at Vince ng sabay ang kanilang mga pangarap. Hindi sila naghiwalay, iyan ang naging pangako at kasunduan nila sa isa’t isa.  Umalis lang si Vince, dahil kailangan niyang pumunta sa ibang bansa, upang doon ay mas mapalawak pa niya ang kanyang kaalaman sa pagiging doktor. Nagyakapan silang dalawa. Saka pinapasok ni Louie sa kwarto si Vince.  “Hindi na importante kung kailan ako dumating. Nakita kitang nagmamadaling umalis at hindi mo ako napansin. Tinanong ko ang tauhan mo at ang sabi nila manganganak na raw ang mapapangasawa mo. Siya ba ang maswerteng babaeng nakabihag sa puso mo?” tugon ni Vince na may kasamang panunukso. Mahimbing pa ring natutulog si Mikaela. “Marami akong ikukwento sa ‘yo tungkol kay Mikaela. Sa mga mata pa lang alam kong maling impormasyon ang nakuha mo, tama ba ako?”  “Maling impormasyon? Katulad ng---” hindi natuloy ni Vince ang kanyang sasabihin, nang bigla siyang sunggaban ni Louie. Tinakpan ni Louie ang bibig nito. Pinandilatan pa niya ng mata. Umiling ang ulo ni Louie, hudyat na ‘wag na nilang balikan ang nangyari sa nakaraan. Alam naman kasi ni Vince ang nangyayari sa buhay ni Louie. Kahit magkalayo sila ng lokasyon, hindi naman namatay ang kanilang komunikasyon. Tinulak siya na Vince. “Baka bigla siyang magising, baka ano pa ang isipin niya sa ating dalawa,” panunukso na lang muli ni Vince. Tinulak ni Louie ang balikat nito. “Here, magpalit ka na muna ng damit.” Inabot ni Vince ang isang paper bag kay Louie na may laman na damit nito. Naisipan agad ni Louie na magpalit, subalit biglang nagmulat ang mga mata ni Mikaela. Kukurap-kurap ang mga ito. Nag-aabang si Louie kung iikot ang paningin nito. Subalit, tumitig lang ang mga mata ni Mikaela sa kisame. Ibinalik ni Louie ang paper bag kay Vince. Mabilis niyang nilapitan si Mikaela at hinaplos-haplos ang kamay nito. “How are you?” tanong agad ni Louie. Hindi sumagot si Mikaela, ipinikit niyang muli ang kanyang mga mata. Nag-isip siya nang malalim. Ang totoo niyan, wala siyang maalala. Hindi niya alam kung ano ang kanyang ginagawa sa loob ng kwarto ng ospital? Hindi niya kilala ang tinig ni Louie? Pero, hindi siya kumilos o nagsalita, upang hindi mapansin ang kanyang karamdaman. Alam niyang may dahilan kung bakit siya nasa ospital. Alam niyang konektado sa kanya ang mga taong nasa paligid niya. Kaya minabuti niya munang manahimik at pumikit para ibalik ang kanyang ala-ala. “Is there something wrong?” Nag-alala na talaga si Louie. Nang biglang nagbukas muli ang pintuan ng silid. Isang doktor ang pumasok sa loob. Pinagmasdan nito sina Louie at Vince. Nanatili namang nakapikit ang mga mata ni Mikaela at unti-unti niyang naaalala ang nangyari, pati na rin ang kanyang huling check-up bago manganak. “Kahit alam ko na ang kalagayan mo, kahit sinusuri natin ang kalusugan mo, nais pa rin kitang tanungin kung sigurado ka bang wala kang sakit? Katulad ng sakit sa puso, history ng highblood, o iba pang karamdaman na pwedeng makaapekto sa panganganak mo. Mas mainam na kung alam natin talaga ang kondisyon ng iyong katawan,” wika ng OB Gyne sa kanya. “Ang totoo po niyan, wala po akong kahit na anong nararamdaman na sa sakit sa aking katawan. Pero maliban po sa isang bagay,” tugon na lang ni Mikaela habang tinititigan niya sa mata ang doktor. “Isang bagay?” “May napapansin po kasi ako sa aking sarili. Pero, siguro po natural lang ang minsan ay maging makakalimutin,” paliwanag na ni Mikaela. “What do you mean?” “Minsan po kasi may mga pangyayari na nakakalimutan ko kaagad. Halimbawa po, ang pag-check up niyo sa akin ngayon. Pagdating ko sa bahay, iisipin ko kaagad kung saan ako nanggaling.” “Kapag may nararamdaman ka sa iyong katawan, maski gaano man ito kaliit, bigyan mo ito ng pansin. Minsan maraming namamatay sa maling akala. O kaya naman, minsan maraming namamatay sa pagbabalewala. I think, you need a neurologist para tingnan ang iyong ulo,” paliwanag ng doktor. “Sige po!” “Wala namang masama at walang mawawala kung magpapatingin ka sa ulo. Importanteng malaman mo kung maayos bang talaga ang kalagayan mo. May kaibigan akong neurologist, tatawagan ko kung kailan ka niya pwedeng bigyan ng schedule.” “Can you leave us alone!” Humingi ng pabor ang doktor kina Louie at Vince. Nagmulat ang mga mata ni Mikaela. Nawala sa kanyang alaala ang mga sumagi na serye sa kanyang isipan. Medyo naging panatag ang kanyang kalooban, nang marinig niya ang ibang boses. “But why?” kunot-noo na tanong ni Louie. Hindi naging maganda ang pakiramdam niya sa binitawang salita ng doktor. At ang reaksyon ng mukha ni Louie, ay parang isang batang inosenteng nag-aabang ng matamis na candy.   “Can you answer?” singit naman ni Vince.  “Why do we need to go out?” dagdag pa ni Louie. Hindi na siya mapakali.  “P—please… lumabas muna kayo, Louie. I’m okay!” biglang singit ni Mikaela at siya ay ngumiti. Naalala na niya si Louie. Kinakaya lahat ni Mikaela, dahil si Louie ang taong ayaw niyang makalimutan. Lumingon silang lahat sa kanya. Napaawang ang bibig ni Louie, nang nagtama ang kanilang mga mata. Nangungusap ang mga mata ni Mikaela. Huminga nang malalim si Louie, pilit niyang kinakalma ang kanyang damdamin na ‘wag magdamdam ng kung anu-anong negatibong emosyon. Hinigpitan na lang niya ang pagkakahawak niya sa kamay ni Mikaela. “Are you sure that— “ “Yes, I’m okay! Can we just talk later?” pakiusap ni Mikaela. Walang nagawa si Louie kundi ang sumunod, dahil nirerespeto niya ang desisyon nito. Ayaw niya munang pakialaman ang mga desisyon ni Mikaela, lalo na kapapayag pa lang nito sa kanyang proposal na magpakasal sila, baka bigla pang bawiin ni Mikaela. Tumango lang ang ulo ni Louie. Niyaya niya si Vince sa labas ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD