“KIENLEE SCOTT is calling, sweetie. Sagutin ko lang muna, ha?” paalam pa ni Gavin kay Ferlyn na abala sa pag-ga-guide kay Fey sa pagpi-painting. Nasa may lanai sila ng mga sandaling iyon kaya tumayo muna si Gavin at naglakad palapit sa may kinaroroonan ng long table. “Napatawag ka?” sagot ni Gavin sa tumatawag na si Kienlee Scott, one of the UHB Originals. “Pinatatawagan ka sa akin ni Dark,” sagot ni Kienlee mula sa kabilang linya. “Bakit?” “This coming Saturday, bibinyagan ang bunsong anak ni Ehlae Ken. Dito ang ganap sa UHB Chapel. Mandatory na narito ka sa Saturday morning. ‘Wag mo rin daw kalilimutan na isama ang buong pamilya mo. Pati ang mommy at daddy mo. Sabi ni Dark, paalis na ulit ang parents mo pero ni minsan ay hindi pa nakakatapak dito sa Leisure Club. At least, hanggang

